Mahigit P2 milyon halaga ng droga, nakuha sa isang condominium unit sa Makati City

Manila, Philippines – Mahigit P2 milyong halaga ng mga droga ang nakuha ng mga otoridad sa isang condominium unit sa brgy. Bel Air, Makati City.

Sa bisa ng search warrant, hinaluglog ng PDEA CALABARZON ang unit ng suspek na si Joan Quachon na una nang naaresto nang nakunan ng kalahating kilo ng shabu sa isang buy bust operation.

Ayon kay PDEA CALABARZON Regional Director Archie Grande, nakuha sa unit ang nasa 400 grams ng hinihinalang shabu, nasa 50 ecstasy pills at bote ng liquid meth.


Nagkalat rin sa unit ang paraphernalia, mga pantakal, weigh in scale at mga plastic sachet na ginagamit sa pagrepack ng shabu.

Nakuha rin ang ilang listahan, mga dokumento at mga bank check books.

Sinabi pa ni Grande na ginagawang one stop shop ang unit ng suspek.

Na-inquest na ang suspek para sa kasong paglabag sa dangerous drug act at inaalam na rin ang kaniyang mga kasabwat at ang kaniyang supplier ng droga.

Facebook Comments