
Nakakumpiska ang Philippine National Police (PNP) ang mahigit P20-M halaga ng droga sa loob ng 11 oras na overnight operation sa buong bansa.
Kung saan nahuli ang limang High-Value Individuals sa kinasang anti-illegal drug operations sa Iloilo, Marawi City at Negros Oriental .
Sa kabuuan, nakarekober ang PNP sa mga nasabing indibdibwal ng tinatayang 2,929 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P19-M at marijuana na tinanim sa Benguet na may halagang P1-M.
Samantala 8 namang Regional Level Most Wanted Persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Davao City, Misamis Oriental, Agusan Del Sur, Davao De Oro, Quezon Province at Cavite.
Ang mga nasabing nahuli ay may mga kasong rape, statutory rape, murder at attempted murder.
Sa ngayon ang mga nasabing indibidbwal ay nasa kanya-kanyang kustodiya na ng kinauukulang units para sa tamang disposisyon at kasong isasampa laban sa kanila.
Ayon kay Acting PNP Chief PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na lalo pang hihigpitan ng ahensya ang mga operasyon nito para siguraduhin na ligtas, payapa, at may kapanatagan ang mamamayan.









