Mahigit P20-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa Sulu

Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang P20.4 million halaga ng iligal na droga sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Walled City, Jolo, Sulu kahapon.

Sa ulat mula kay PRO Bangsamoro Autonomous Region Regional Director Police Brigadier General Samuel Rodriguez, kinilala ang suspek na si Ejek Ali Abduhakim, 44-anyos at residente ng Barangay Bas-Nonok, Lugus, Sulu.

Nakumpiska sa kanya ang isang paper bag na may lamang humgit kumulang tatlong kilo ng shabu.


Katuwang ng mga pulis sa buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments