Tuloy-tuloy sa pagbibigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga naapektuhan nang magkasunod na bagyo at habagat sa bansa.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P20.9 million na tulong na ang naipamahagi sa mga apektadong residente ng Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, CAR at NCR.
Kabilang sa mga ayudang ipinagkaloob ay family food packs, inuming tubig, hygiene kits, kitchen kits, ready to eat foods at iba pa.
Mayroon ding binigyan ng financial at relief assistance.
Sa pinakahuling datos, umaabot na sa 140,101 pamilya o katumbas ng mahigit 515,000 indibidwal ang naaapektuhan ng Bagyong Goring, Hanna at habagat sa mga rehiyon sa bansa.
Facebook Comments