Mahigit P200-K halaga ng shabu, nasamsam sa QC; tatlong suspek, arestado

Nasabat ng Quezon City Police ang mahigit P200,000 halaga ng umano’y shabu sa lungsod ng Quezon kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Peligrino, 26-anyos; Jally Gader, 41-anyos at Leo Delgado, 39-anyos.

Nakuha mula sa kanila ang humigit-kumulang na 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.


Ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Barangay Tatalon, lungsod ng Quezon, pasado alas-12:55 kaninang madaling araw.

Nabilhan ang mga suspek ng pulis na poseur buyer ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nakakulong na ang mga suspek sa Quezon City Police Custodial Facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments