Mahigit P200-M halaga ng shabu at ecstasy, nasabat ng PDEA sa Cavite; isang Chinese, arestado

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation ang ₱217-M na halaga ng hinihinalang shabu at ecstasy sa Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, nahuli ang Chinese na si alias Li matapos bentahan ng isang kilo ng hinihinalang shabu ang poseur buyer sa parking lot ng isang fast food chain.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 32 kilo ng hinihinalang shabu at 35 piraso ng hinihinalang ecstasy tablets.


Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, matagal nang binabantayan ng ahensya ang Chinese lalo na’t may kakayahan aniya itong makapag-supply ng milyon-milyong pisong halaga ng iligal na droga.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang pinoproseso na rin ang pagpapa-deport sa kaniya.

Facebook Comments