Cauayan City, Isabela-Nakumpiska ng mga otoridad ang 6,579 board feet ng putol na kahoy nito lamang August 5 sa Sitio Tapuacan, Brgy Dagupan, Lal-lo, Cagayan.
Pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 10 (MBLT-10), Philippine Marines sa ilalim ng Operational Control (OPCON) ng 5 th Infantry (STAR) Division, Philippine Army at Municipal Environment Natural Resources Office (MENRO) ng Aparri sa kampanya kontra sa Anti-Illegal Logging.
Ayon sa paunang impormasyon, tinatayang nasa P250,000 ang halaga ng mga nakumpiskang putol na kahoy.
Pinuri naman ni Brigadier General Laurence E Mina PA, Commander, 5ID ang tropa ng MBLT-10 sa pamumuno ni LTC Rowan L Rimas PN(M) dahil sa mabilis na pag-aksyon na resulta ng pagkakakumpiska sa kahoy na white at red lauan.
Agad na dinala sa headquarters ng MBLT-10 sa Sitio Burubur, Brgy Magapit, Lal-lo, Cagayan para sa pansamantalang pangangalaga dito.