Mahigit P200,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa isang hinihinalaang drug pusher sa Taytay, Rizal

74

Kalaboso ang isang hinihinalaang drug pusher matapos na maaresto nang magsagawa ng buy-bust operation sa Taytay Diversion Road, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Amad Daud Gogo.


Ayon kay PIU/PDEU PCapt. Juan Carlo Porciuncula, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa walong pirasong plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, na tumitimbang ng humigit kumulang 36 gramo na nagkakahalaga ng P244,800, dalawang pirasong cellphone, 500 pesos genuine money, 500 pesos boodle money na ginamit bilang marked mone.

Narekober din ang isa pang 500 pesos at isang unit ng Sedan, Chevrolet na may plate no. ZCV 512.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments