MAHIGIT P200K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG KAPULISAN

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki na tulak ng ilegal na droga sa bayan ng Ballesteros Extension, Brgy. Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ben,” 44-anyos, tinaguriang Street Level Individual (SLI) mula sa Brgy. Novaliches, Quezon City.

Nakuha mula sa suspek ang 5 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 30 gramo at nagkakahalaga ng mahigit P200K.

Matapos maaresto ay dinala sa himpilan ng Solano PS ang suspek para sa dokumentasyon habang ang mga ebidensya ay dinala sa PNP Nueva Vizcaya Forensic Unit para sa laboratory examination.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments