
Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa P272 million na halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa PDEA Rizal Cement Village, Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal.
Paliwanag ng PDEA, nasa halos 40 kilo ng hinihinalaang shabu ang nasamsam.
Arestado sa operasyon ang isang drug suspect.
Nakalagay sa black gold foil ang nasa 40 kilo ng shabu.
Nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.
Dinala na sa PDEA laboratory ang mga ebidensya para isailalim sa pagsusuri.
Facebook Comments