Mahigit P28 milyon na halaga ng tanim na Marijuana sa Ilocos Sur at Benguet, winasak ng PNP

Winasak ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P28 milyong halaga ng tanim na Marijuana sa Ilocos Sur at Benguet.

Ang nasabing operasyon ay umabot ng limang araw at isa ito sa pinakamalaking anti-drug operations sa rehiyon ngayong taon.

Kung saan nasa 30 na plantasyon ng Marijuana ang nadiskubre sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba na may kabuuang sukat na nasa mahigit 25,000 na metro kwadrado.

Nasa mahigit 140,000 mature na halaman at mahigit 3,000 punla ang tinanggal at sinunog ng mga operatiba sa lugar.

Ito ay pagpapatuloy ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga, kung saan ang tagumpay na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng PNP Focused Agenda, isang plano na naglalayong paigtingin ang serbisyong pulis sa buong bansa.

Facebook Comments