Mahigit P3.7 trillion 2019 budget, posibleng maaprubahan sa Biyernes

Manila, Philippines – Posibleng ma-aprubahan na sa Biyernes, Pebrero a-otso ang General Appropriations Bill.

Ang higit sa P3.7 trillion 2019 national budget ay nakabinbin ngayon sa bicameral conference committee dahil sa isyu ng pork barrel at mga insertion.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Senator Loren Legarda, napagkasunduan nila ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya na sikaping maipasa sa Bicam ang budget ngayong Miyerkules.


Kapag natupad ito ay magkakaroon aniya ng pagkakataon ang Senado at Kamara na ratipikahan sa huling araw ng session sa Biyernes ang 2019 proposed budget.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kapag hindi pa rin nagkasundo ang dalawang kapulungan ay maaring maging reenacted budget na lang ang paganahin ngayon taon.

Sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo ay maaari pa naman aniya na muli itong matalakay.

Facebook Comments