Naibenta sa mga iba’t ibang ahensya at pribadong sektor ang mga ani nga mga Agrarian Reform Beneficiaries Organization o ARBOs na nagkakahalaga ng mahigit 3 bilyong piso sa ilalim ng Enhance Partnership Against Hunger and Poverty sa loob ng anim na taon.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na ang balikatan na ito ay nagpapakita ng pagsulong sa kaunlaran sa mga kanayunan.
Dagdag pa ng Kalihim na nakikita na ang unti-unting pag-unlad ng mga ARBO dahil aniya kapag nagkakaisa ay mayroong nagagawang pagbabago.
Samantala, sinabi rin ni Secretary Estrella III na ang pagtutulungan ng lahat ay isang malaking giyera laban sa kagutuman at kahirapan at dahil na rin sa mapagsamantalang mangangalakal na binibili ang kanilang ani sa mas mababang halaga.
Dahil dito, nanawagan ang kalihim ng nasabing ahensya na bumili ang mga ahensya ng pamahalaan pati na rin ang pribadong sektor sa kanilang kakainin sa pang araw-araw mula sa iba’t ibang grupo ng magsasaka at maging bahagi sa kanilang pagpapa-angat sa kanilang kabuhayan.
Sa kasaluluyan, nasa 31 na ahensya ng pamahalaan at pribadong institusyon ang nakibahagi sa programang ito, kabilang na ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na siyang suki ng ARBOs.