Mahigit P3-M halaga ng ecstasy tablet nasabat sa “wedding” package mula Germany

Aabot sa Php 3.3 million halaga ng ecstasy tablets ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of NAIA at NAIA- Inter- Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) mula sa isang claimant sa post office sa Taytay Rizal.

Ang shipment ay idineklarang wedding dress mula sa Germany na naka- consignee sa suspek na si Heart Valerine Garcia Cruz ng Taytay, Rizal.

Natuklasan ang 1,993 tablets ng party drugs nang dumaan ang parcel sa examination ng BOC-NAIA personnel.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act 2002 at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments