Mahigit P3-M halaga ng Marijuana, Sinira sa Mountain Province

Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit P3.6 milyon na halaga ng tanim na marijuana ang nadiskubre ng mga tauhan ng PDEA-Mountain Province, Sadanga MPS, PDEU, PIU, PMFC at RID Cordillera sa gitna ng Marijuana Eradication Operations sa bulubunduking bahagi ng Sitio Tokayong, Saclit, Sadanga, Mountain Province.

Batay sa report ng PNP, umabot sa kabuuang 3,650 fully grown marijuana plants mula sa 450 square meters na lupain ang sinira ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, sa ginawang pag-iikot ng mga operatiba ay natagpuan ang isang bulk ng marijuana stalks and leaves na tumitimbang ng 22,000 grams at limang bricks ng dried marijuana na tumitimbang naman ng 5,000 grams na nagkakahalaga ng P600K.


Agad namang sinira at sinunog ng mga awtoridad ang tanim na marijuana.

Facebook Comments