Mahigit P3-M halaga ng shabu nasabat sa Maynila

67

Manila, Philippines – Nasa P3.4 million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng PDEA sa isang drug suspect sa isang hotel sa Bocobo Street sa Ermita, Maynila.

Ayon sa PDEA, inaresto nila ang suspek na si Adsmin Kadil, 27 taong gulang matapos magkaabutan ng pera sa kanilang transaksyon.


Nakuha mula sa suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 500 gramo.

Aminado naman ang suspek sa kanyang ginawa at sinabing sising sisi siya dahil ginawa niya lang iyon dahil wala siyang trabaho.

Napag-utusan lang din daw siya na gawin ang pagbebenta ng droga dahil sa kahirapan.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng suspek o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inaalam naman ng PDEA ang iba pang kasabwat ng suspek.




Facebook Comments