Mahigit P3 milyong halaga ng smuggled cigaretes, nakumpiska sa ilang lugar sa Mindanao

Matagumpay na nakumpisa ng operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mga smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P3 milyong at naaresto ang tatlong indibidwal na sangkot sa ilegal na kalakalan sa iba’t ibang bahagi sa Mindanao.

Una na rito sa Sultan Kudarat kung saan dalawang indibidwal ang nahuli ng mga operatiba habang nagtangkang magdala ng 23 na kahon ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng halos P900,000.

Sa Tawi-tawi naman, nakumpiska ang 11 na master cases ng pinaghihinalaang smuggled cigarettes sa Chinese Pier sa Bongao kung saan tinatayang nagkakahalaga naman ito ng mahigit P1.2 milyon.

Kauganay rito nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa mga sangkot sa nasabing pagpuslit.

Samantala sa Lanao Del Norte naman nahuli ang isang indibidwal sa pamamagitan ng isang tip mula sa isang confidential informant habang dala ang mga ipinuslit na mga sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga naman ng P840,000.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo at mga nahuling suspek ay nasa kustodiya na ng kapulisan at inihanda na ang mga karampatang kasong isasampa sa mga sangkot sa nasabing pagpupuslit ng ilegal na sigarilyo.

Facebook Comments