Mahigit P30 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Maynila

Panibagong shipment ng mga misdeclared na sigarilyo ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) na tinangkang ipasok sa bansa sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.

Ang P32.7 million na halaga ng sigarilyo na ipinasok sa bansa nitong July 2, 2020 ay idineklara bilang mga bag.

Gayunman, sa inspeksyon ng mga tauhan ng BOC, nadiskubre ang 1,092 kahon ng isang kilalang brand ng sigarilyo.


Nabatid na tatlong opisyal ng Customs broker ang nagtangkang makipag-negosasyon para sa pagre-release ng nasabing shipment.

Ayon sa Customs Intelligence and Investigation Service, maglalabas sila ng subpoena laban sa mga consignee ng nasabing shipment, gayundin sa mga brokers nito para sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Hindi naman tinukoy ng BOC kung sino ang consignee ng nasabing kontrabando.

Facebook Comments