CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang pamimigay ng tulong ng OWWA Region 2 para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa maging sa kanilang pamilya.
Nasa mahigit P300-K na tulong pinansyal ang ipinamahagi ng ahensya para sa mga benepisyaryo sa bayan ng San Mateo, Isabela, at Lungsod ng Santiago.
Tumanggap ng kabuuang P60,000 ang tatlong katao sa ilalim ng programang Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) habang isa naman ang nakakuha ng medical assistance sa ialalim ng Welfare Assistance Program (WAP) na nagkakahalaga ng P10,000 sa bayan ng San Mateo.
Samantala, nasa mahigit P180-K naman ang ibinigay ng OSSCO Santiago City Sub-Office sa 17 WAP Medical recipients.
Bukod dito, 5 benepisyaryo ng BPBH ang nakatanggap ng kabuuang P100-k habang isa din ang nakakuha ng P20,000 sa ilalim ng WAP Bereavement Program.