Nakapagpamahagi na ang gobyerno ng mahigit sa P362M na tulong pinansyal sa mga apektado ng matinding tagtuyot na nararanasan sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC) partikular na ibinigay ang financial assitance sa mga taga-Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan ng MIMAROPA region.
Ipinadaan ang tulong sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) at ibinahagi sa 18,667 na magsasaka sa Occidental Mindoro, 19,624 na magsasaka sa Oriental Mindoro, halos 4,000 magsasaka sa Marinduque, mahigit 5,000 magsasaka mula Romblon at 24,245 na mga magsasaka sa Palawan.
Layon nitong tulungan ang mga apektadong magsasaka dahil sa matinding pinsalang dulot ng El Niño.
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit P865M ang pinsala ng matinding tagtuyot sa sektor ng Agrikultura kung saan ang Region 6 ang pinaka napuruhan sinundan naman ng MIMAROPA, CALABARZON, Region 9 at Region 1.
Una nang nagdeklara ang bayan ng Bulalacao sa Oriental Mindoro ng State of calamity dahil parin sa matinding epekto ng El Niño.