
Naharang ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang outbound shipment na naglalaman ng pinakamataas na value ng agarwood sa isang bodega sa Pasay City.
Ayon sa BOC, ang agarwood ay isa sa pinakamahal na kahoy sa buong mundo dahil ginagamit ito sa pabango, traditional medicine, at luxury products.
Ang nasabing kargamento ay idineklarang “mahogany wood Hand Curving Design” na sumailalaim sa masusing pagsusuri kung saan natuklasan na naglalaman ito ng agarwood na nagkakahalaga ng P31,650,000.
Ang tangkang pag-export ng naturang agarwood ay isang kasong paglabag sa customs regulations, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Presidential Decree No. 705 or Forestry Reform Code of the Philippines, at RA. 9147 or Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang operasyon ay isinasagawa sa tulong ng Environmental Protection Compliance Division (EPCD) sa ilalim ng BOC Enforcement Group.
Samantala, na-i-turnover na ang nakumpiskang Agarwood sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa tamang disposisyon.









