Nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang lahat ng pondong alokasyon para sa implementasyon ng Salary Standardization Law VI.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nasa mahigit P36-B ang pondong nailabas ng kagawaran sa 308 na kagawaran at ahensiya.
Kaugnay nito, umapela ang kalihim sa mga pinuno ng mga department at agencies na madaliin na ang implementasyon ng salary adjustments.
Kabilang dito ang pag-iisyu ng Notices of Salary Adjustment upang maipatupad na ang umento sa sahod.
Noong nakaraang buwan nang aprubahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang salary increase para sa mga sibilyang kawani ng gobyerno na ipatutupad hanggang 2027.
Facebook Comments