Mahigit P39.5 milyong halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa magdamag na operasyon ng PNP; 15 most wanted persons, nahuli

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 39.5 milyong pisong halaga ng droga sa isinagawang magdamag na operasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Samantala, nakahuli rin ang ahensya ng 15 most wanted persons sa mga isinagawang operasyon.

Ang mga nasabing nahuling indibidwal ay nahaharap sa mga kasong rape, murder, statutory rape, sexual assault, may kinalaman sa ilegal na droga, ilegal na armas at reckless imprudence resulting to homicide.

Kung saan ang ilan sa mga nasabing kaso ay non-bailable.

Patunay lamang ito sa mataas na threat level ng mga naaresto dahil ang iba rito ay mga regional most wanted.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga units na nagsagawa ng mga nasabing matagumpay na operasyon.

Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang kanilang pagiging agresibo sa pagsugpo sa ilegal na droga at sa mga gumagawa ng krimen.

Facebook Comments