Mahigit P40 milyon na halaga ng shabu at mga armas,nakumpiska sa QC at Malabon city

Umabot sa P42 milyon na halaga ng shabu at mga armas ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City at Malabon.

Tatlong kalalakihan ang naaresto sa Mindanao Avenue, Quezon City na kinilalang sina datu Boy Nasser, Nurhana Nasser at Said Ampakay.

Nakumpiska sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.


Sumunod namang inaresto sa Novaliches, Quezon City sina Kenneth Pareja Maclan, Dennis Santos Roque, isang businessman, at Carlito Salazar Biglang-awa na mga supplier ng mga unang naarestong suspek.

Nasamsam sa kanila 1.3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8.8 milyon.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang mga drug paraphernalia, mga baril at mga pampasabog.

Isang Chinese National na si Tuan Yuan ang naaresto naman sa Dampalit, Malabon city.

Nakuha sa kaniya ang apat (4) na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27 milyon.

Facebook Comments