Mahigit P400-M na inilaan na emergency employment program ng DOLE sa mga manggagawa sa CALABARZON at Central Luzon, ikinagalak ng ilang labor groups

Ikinatuwa ng grupong Federation of Free Workers (FFW) ang ayuda o tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglaan ng P455.6 million emergency employment program para sa workers sa mga informal sector at sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Karding sa Central Luzon at Calabarzon.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, pinahalagahan nila ang ganitong proyekto ng TUPAD kung saan 14,000 na workers ang nakikinabang habang ang 29,000 na iba pang manggagawa ay magkakaroon na ng trabaho sa susunod na linggo sa Bulacan, Tarlac, Bataan at iba pang bahagi ng Central Luzon sa Region III; habang ang mahigit 19,800 workers ay iniulat na mabebenipisyuhan na matinding tinamaan ng bagyong Karding sa Polilio Island, Burdeos at maraming bayan sa Quezon, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite sa Region IV-A.

Paliwanag ni Atty. Matula na upang maiwasan ang kurapsyon iminungkahi ng FFW at ng Nagkaisa Labor Coalition na dapat ay makipag-ugnayan ang mga manggagawa at employers.


Dagdag pa ng FFW, dapat ang DOLE ay hindi lamang makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit sa pagpapatupad implementation kundi maging sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs), ang Regional Tripartite Industry Peace Councils ( RTIPCs), unions o workers’ associations sa mga lokalidad.

Sa panig naman ni FFW Vice President for Luzon Rod de Guzman, sinabi nitong handa umanong makipag-ugnayan sa pagpapatupad ng Tripartite ang kanilang grupo kung saan pinasalamatan din nito ang DOLE-TUPAD sa naturang hakbang.

Facebook Comments