Mahigit P400,000 halaga ng droga, nasamsam sa dalawang indibidwal sa magkahiwalay na bayan sa Nueva Ecija

Natimbog ng mga operatiba ng Cabiao Municipal Police Station, katuwang ang Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), ang isang babae na nakilala sa alyas na “Dang” sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Vicente, Cabiao, Nueva Ecija.

Nahuli si Dang matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer.

Sa isinagawang body search, nakumpiska pa mula kay Dang ang sampu pang sachet ng shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 51 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P346,800.

Samantala, nasakote naman ng pulisya ng General Tinio sa Barangay Padolina ang isang 34-anyos na lalaki na sakay ng kanyang motorsiklo.

Matapos mapara sa check point ng pulisya, nang inspeksyunin, nakuhanan siya ng pitong sachet ng shabu (10.5 gramo, P71,400 halaga) at isang .38 revolver na may apat na bala na nakatago sa kanyang sling bag.

Naaresto naman ng pinagsanib na pwersa ng Jaen Police Station at 1st PMFC-NEPPO sa Barangay Putlod, Jaen, Nueva Ecija ang isang 19-anyos na lalaki, residente rin ng nasabing barangay, dahil sa paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Law of the Philippines.

Facebook Comments