Mahigit P400,000 halaga ng iligal na paputok, nakumpiska ng PRO3

Nakapagsagawa ang Police Regional Office 3 (PRO3) ng 226 operasyon laban sa bentahan ng ilegal na paputok sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa paggamit, pagbebenta, at pag-iimbak ng mga ito, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil.

Nabatid na mula Disyembre 16 hanggang 29, 2024, nasa 20,000 piraso ng iba’t ibang uri ng ilegal na paputok kabilang na ang mga homemade na boga ang nakumpiska ng kapulisan na may kabuuang halagang ₱403,385.00.

Ang nasabing kampanya ay bahagi ng pagtitiyak sa kaligtasan ng mamamayan at pag-iwas sa mga insidente ng pinsala dulot ng paputok ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.


Ayon sa PRO3, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya kontra sa mga ilegal na paputok bilang bahagi ng kanilang tungkulin na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments