Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas sa mahigit P407 milyon para sa second and third batch ng COVID-19 Special Risk Allowance o SRA para sa healthcare workers.
Sabi ni Senator Christopher “Bong” Go, kukunin ang pondo sa 2021 Contingent Fund para sa eligible private HCWs at non-Department of Health (non-DOH) plantilla personnel na may direktang contact sa COVID-19 patients mula ika-20 ng Disyembre, 2020 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2021.
Pinaalala ni Go na bukod dito ay unang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang paglalaan ng P311.8-M sa DOH para sa SRA ng 20,208 public at private HCWs.
Ayon kay Go, dahil sa dagdag pondo na mahigit P407-M, aabot na sa 117,926 o higit pang healthcare workers ang mapagkakalooban ng SRA.
Facebook Comments