Mahigit P407 milyon na dagdag pondo sa SRA ng healthcare workers, aprubado na ni Pangulong Duterte

95

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas sa mahigit P407 milyon para sa second and third batch ng COVID-19 Special Risk Allowance o SRA para sa healthcare workers.

Sabi ni Senator Christopher “Bong” Go, kukunin ang pondo sa 2021 Contingent Fund para sa eligible private HCWs at non-Department of Health (non-DOH) plantilla personnel na may direktang contact sa COVID-19 patients mula ika-20 ng Disyembre, 2020 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2021.


Pinaalala ni Go na bukod dito ay unang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang paglalaan ng P311.8-M sa DOH para sa SRA ng 20,208 public at private HCWs.

Ayon kay Go, dahil sa dagdag pondo na mahigit P407-M, aabot na sa 117,926 o higit pang healthcare workers ang mapagkakalooban ng SRA.

Facebook Comments