Cauayan City, Isabela- Umabot na sa mahigit 38 na mga Local Government Unit (LGUs) sa Probinsya ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ang nabigyan ng ayuda mula sa Emergency Shelter Assistance (ESA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2.
Base sa Implementation Guidelines ng ESA, ang listahan o masterlist ng mga benepisyaryo ay magmumula sa mga naisumiteng ESA Application ng Lokal Social Welfare Development Officers (LSWDO) ng bawat LGU.
Katuwang ang mga barangay officials sa pagsusuri ng mga nasiraan ng tirahan gamit ang nabanggit guidelines.
Nakalakip din sa ESA Application Forms ang certificate of eligibility kung saan nakasaad kung ang isang household ay lehitimong benepisyaryo ng ESA na pinatutunayan ng Punong Barangay at ng LSWDO.
Ang mga naturang application ay ipinasa sa mga LSWDO ng bawat LGU at sya namang idinudulog sa DSWD FO2 para sa kaukulang pondong kakailanganin.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, nakapamahagi na ng 3,384 para sa Totally Damaged houses at 28,240 naman sa Partially Damaged houses.
Umaabot na sa P428,553,925.00 o 94.7% ng naibabang pondo galing sa national government ang naipamahagi na ng ahensya sa mga apektadong pamilya.