Mahigit P45-B sa 2022 national budget, inilaan para sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 booster shots
Naglaan ng mahigit apatnapung bilyong pisong pondo ang pamahalaan para sa COVID-19 booster shots sa ilalim ng P5.024 trillion 2022 national budget.
Aabot sa P45.4 billion sa ilalim ng unprogrammed appropriations ang maaaring magamit para sa booster shots.
Ito ay nakalaan para sa 93.798 million na mga fully-vaccinated na Pilipino.
Samantala, aabot naman sa P240.75 billion ang alokasyon para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Kasama sa pondo na ito ang P80 billion na budgetary support para sa insurance premium ng mga senior citizens at indigent families sa ilalim ng PhilHealth, P19.6 billion para sa pagtatayo at upgrade ng mga health facilities, medical equipment at ambulansya sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) at P106 million para matiyak ang pagiging episyente ng One Hospital Command Center.
Nasa P17 billion na pondo naman ang alokasyon para sa hiring ng mga dagdag na health service professionals.
Tiniyak naman ni Speaker Lord Allan Velasco ang mabilis na pagpapatibay ng Kamara sa pambansang pondo ng 2022 na hindi lamang instrumento ng pagunlad kundi maituturing din na powerful tool sa paglaban sa COVID-19 at sa pagbangon ng kabuhayan at buhay ng mamamayan.