Mahigit P470-K na halaga ng shabu, nasamsam sa Muntinlupa City sa isang buy-bust operation

49

Arestado na ang dalawang lalaking tulak umano ng shabu sa Muntinlupa City matapos ang ilang buwang ginawang pagmamanman ng mga otoridad sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Ramil Nofuente Getemillo, alyas “Toto”, 44-anyos at Marcelino Rosel Obzunar, alyas “Mac”, 34-anyos, parehong residente ng Purok 2, Barangay Cupang na naturang lungsod.

Nakuha mula sa kanila ang 70 grams na umano’y shabu at may katumbas na halagang P476,000 at isang P1,000 na pirang ginamit bilang Buy-bust money.

Batay sa ulat ng Muntinlupa City Police Station Drugs Enforcement Unit, sinalakay nila ang bahay kung saan nakatira ang mga suspek noong Sabado pasado alas-4:50 ng hapon matapos makumpirma ang iligal na transaksyon ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

Dahilan para mahuli ang nasabing mga suspek kung saan nakakulong na ngayon sa Muntinlupa City PNP Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments