Mahigit P5-M halaga ng shabu, nahulog sa bubong ng isang bahay sa General Trias, Cavite

Mahigit sa P5.4-M halaga ng umano’y shabu ang nadiskubre sa bubong ng isang bahay sa General Trias, Cavite.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente ng Breezewoods Gen 3 homes subdivision sa Brgy Pasong Kawayan 2 General Trias City.

Ito’y kaugnay ng ilegal na droga na nakita sa rooftop ng kanilang bahay.

Nakarinig umano ang may ari ng bahay ng malakas na kalabog mula sa 2nd floor ng kanilang bahay partikular sa kanilang master bedroom.

Sinundan ito ng isa pang malakas na kalabog na mula naman sa kanilang rooftop.

Nang kanilang silipin, nakita nila ang isang babae na naka kulay itim na t shirt at tinatayang nasa 20 anyos ang edad na nagtatago sa may firewall at dingding ng kanilang banyo

Humihingi ng tulong ang babae, at kanila naman itong pinapasok sa kanilang bahay ngunit mabilis ding umalis.

Nakita nila ang isang kahon na naglalaman ng dictionary at dalawnag pakete ng umano’y may lamang shabu na tinatayang halos 800 grams ang timbang.

Agad na humingi ng tulong ang residente sa mga awtoridad na nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon.

Facebook Comments