Mahigit P5-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Mandaluyong

Mandaluyong City – Umaabot sa 5 punto 4 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Station Anti-Illegal Drugs ng Mandaluyong City  Police Station  mula sa dalawang hinihinalaang pusher sa Block 49 Barangay Addition Hills Mandaluyong City.

Kinilala ang mga suspek na sina Suraida Samad, 43-anyos at Joel Sumlay 46-anyos habang ang isang 17-anyos na menor de edad ay inilipat na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Naaresto ang dalawang hinihinalaang pusher matapos magsagawa ng buy-bust operation kaninang alas-onse ng umaga sa naturang lugar kung saan nakumpiska ang 800 gramo ng shabu at 5,000 pisong buy-bust  money at kulay dilaw na bag.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments