Patuloy ang pagdagdag ng nahuhuling mga indibidwal na nasasangkot sa iligal na droga sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa tala ng Pangasinan Police Provincial Office nitong nagdaang linggo, nasabat ang 82.143 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P563, 372. 40 mula May 4 hanggang May 10.
Ito ay sa bisa ng ikinasang sampung buy-bust operation kung saan nasa siyam na katao ang arestado. Samantala, timbog din ang anim na Most Wanted Person sa lalawigan at tatlumpu pa na mga ibang wanted persons. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









