Umabot na sa P536.74 million special risk allowance (SRA) ang naipamahagi ng Department of Health (DOH) sa mga health workers sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakapaloob pa lamang ito sa batch 3 at batch 4 ng mga health workers na makakatanggap ng SRA.
As of October 4, tinatayang nasa P662.20 million SRA na naipamahagi sa mga health facilities.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga pribadong ospital at Local Government Units (LGUs) para maipamahagi na rin ang natitirang P1.33 billion SRA.
Sa ngayon, humihingi pa rin ng pondo ang DOH sa gobyerno upang mapalawak pa ang sakop ng pondong tulong sa mga health workers sa bansa.
Sa kabuuan, umabot na sa P15.3 bilyong benepisyo ang natanggap ng mga health workers sa gitna ng kinakaharap ng pandemya dahil sa COVID-19.