MAHIGIT P5M ROAD PROJECT SA CABATUAN, ISABELA, NATAPOS NA

CAUAYAN CITY – Natapos na ng DPWH-Isabela 3rd District Engineering Office ang proyektong daan sa Sitio Villa Garcia, Lapaz, Cabatuan, Isabela.

Ito ay may kabuuang haba na aabot sa 213 meters, lawak na 5 meters, at three-barrel concrete box culvert para sa maayos na daloy ng tubig sa irigasyon.

Binigyang-diin ni District Engineer Adonis Asis na ang nasabing road project ay malaking tulong sa mga magsasaka para sa mabilis na transportasyon ng kanilang mga ani sa merkado.


Maliban dito, makakakuha na rin ng mas mabilis na access ang mga residente sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan na magiging dahilan sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.

Samantala, umabot naman sa mahigit P5M ang pondong ginamit sa proyekto sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

Facebook Comments