Umaabot na sa P6,662,741 milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang kabuuang ayuda ay nagmula sa mga ahensya ng gobyerno, Local Government Units (LGUs), at Non-Government Organizations (NGO).
Kabilang sa mga ito ay ang Bicol Region, CALABARZON, National Capital Region (NCR), MIMAROPA, Cagayan, Central Luzon, Eastern Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Batay sa DSWD, nasa 645,007 indibidwal o 160,005 pamilya ang naapektuhan ng typhoon mula sa 2,480 barangay.
Nasa 269,507 indibidwal o 70,576 pamilya rito ang tumuloy sa evacuation centers habang 30,052 katao o 7,643 pamilya ang lumikas sa ibang lugar.