Mahigit P6 billion na balanse para sa health emergency allowance noong pandemya, inilabas na ng DBM

Inilabas na ng Department of Budget and Management o DBM ang mahigit P6.7 billion para sa huling bugso ng health emergency allowance o HEA ng mga health at non-health care workers.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bayaran ang mahigit 1.4 million na claims mula 2021 hanggang 2023.

Sakop nito ang mga kawani mula sa mga ospital ng LGUs, private health facilities, state universities, at iba pang institusyon sa iba’t ibang rehiyon.

Sabi ni Pangandaman, nararapat lamang na ibigay sa health workers ang mga benepisyo lalo’t sila ang pangunahing nagsilbi noong kasagsagan ng pandemya,

Noong nakaraang taon, mahigit P121 billion ang nailabas ng DBM para sa iba’t ibang benepisyo at allowance ng health workers.

Ang pinakahuling P6.7 bilyon ay kinuha mula sa pondo ng SAGIP program sa ilalim ng 2025 national budget.

Umaasa naman ang DBM na agad ibibigay ng Department of Health (DOH) ang pondo para matanggap na ng mga matagal nang naghihintay na health workers ang kanilang benepisyo.

Facebook Comments