Nakapagbigay na ang pamahalaan ng inisyal na P65-M na tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng nagdaang Bagyong Egay.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang tulong ay ipinagkaloob sa mga apektadong residente ng Regions 1, 2, 3, 5, 6, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at CAR.
Kabilang sa mga ayudang ipinagkaloob ay family food packs, inuming tubig, hygiene kits, kitchen kits, modular kits, malong, sleeping kits, mga gamot at maraming iba pa.
Mayruon ding binigyan ng financial assistance at mga napabilang sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Workers and Development (DSWD).
Maliban dito, nagkaloob din ang pamahalaan ng shelter repair kits lalo na sa mga kababayan nating winasak ng bagyo ang tirahan.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, sumampa na sa 16 ang iniwang patay ng Bagyong Egay kung saan 1 ang kumpirmado habang 15 ang for verification, nakapagtala din ng 52 sugatan at 20 nawawala.
Lomobo din sa 291,262 pamilya o katumbas ng mahigit 1-M indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula 2,615 na mga brgy mula sa mga nabanggit na rehiyon.