MAHIGIT P61-K NA HALAGA NG SHABU, NAREKOBER NG KAPULISAN

CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong maaresto sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Brgy. Leonarda, Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Gibo”, 43-anyos, isang High Value Target (HVT), at residente ng Brgy. Tanza, Tuguegarao City.

Ayon sa mga pulis, matagal nang nasa watchlist ang suspek kung kaya’t nang makumpirma ang ilegal na aktibidad nito ay agad itong naaresto.


Narekober naman sa pag-iingat ni alyas “Gibo” ang limang sachet ng hinihinalang shabu kung saan nagkakahalaga ito ng higit P61-K.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Facebook Comments