Mahigit P625-M, ibibigay ng Canada para palakasin pa ang health services sa Pilipinas

 

Nakahandang magbigay ang Canada ng nasa P625.8 million o CAD $15 million kasunod ng planong pagpapalakas sa mga health services sa bansa.

Ayon kay Canadian Minister of International Development Ahmed Hussen, layunin ng naturang assistance mula sa Canada na makumpleto at masuportahan ang national priorities ng Pilipinas.

Aniya, nais niyang patatagin pa ang bilateral relation nito sa bansa at humanap ng mga paraan para mapag-ibayo ang kooperasyon sa ilalim ng Indo-Pacific Strategy ng Canada partikular na sa usapin ng seguridad sa rehiyon.


Bukod pa rito, nais din tumulong ng Canada sa pagtugon sa climate change, pagprotekta sa maritime environments, access sa healthcare at pagkakaroon ng maunlad na lipunan.

Samantala, layunin din ng proyektong na matulungan ang vulnerable populations kabilang ang mga kababaihan, batang babae at katutubong indibidwal sa apat na malalayong lugar at mga probinsiyang madalas salantain ng kalamidad.

Facebook Comments