Mahigit P670 million na halaga ng Tanim na Marijuana, Sinira sa Cordillera

Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit P678 milyon ang kabuuang halaga ng sinirang tanim na marijuana sa limang araw na operasyon ng mga awtoridad sa Cordillera region nitong Setyembre 23-27, 2021.

Sa ulat ng Police Regional Office Cordillera, nasa kabuuang 72 marijuana plantation ang nadiskubre sa mga probinsya ng Benguet, Kalinga at Mountain Province kung saan sinira at sinunog ang nasabing mga iligal na droga.

Sa Benguet, nasa kabuuang 11, 850 fully grown marijuana plants at 24, 780 seedlings na nagkakahalaga ng P3, 361, 200 ang sinira sa 30 magkakahiwalay na plantasyon na nadiskubre ng mga operatiba.


Bukod dito, nadiskubre naman sa Kalinga ang kabuuang 2,241,500 marijuana plants at 1,640 kilo ng dried marijuana leaves, stalks, fruiting tops na umabot sa halagang P645,100 kung saan 39 plantation sites ang nadiskubre ng mga awtoridad.

Habang sa Mountain Province naman ay umabot sa 152,000 marijuana plant na may kabuuang halaga na P30, 400,000.00 ang sinira ng mga awtoridad mula sa tatlong plantasyon.

Ayon kay PROCOR Regional Director PBGen. Ronald Oliver Lee na hindi umano titigil ang hanay ng kapulisan katuwang ang iba pang law enforcement agency para sa tuluyang masawata ang taniman ng illegal na droga sa rehiyon.

Facebook Comments