
Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) ang mahigit ₱7.5 million na halaga ng hinihinalang Marijuana kush sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Freeport Zone, Clarkfield, Pampanga kahapon.
Ayon kay PDEG OIC Col. Rolando Cuya Jr., isinagawa ang unang controlled delivery operation sa United Parcel Service (UPS) Freeport Zone, kung saan nakumpiska ang humigit-kumulang 3,896 grams ng Marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱5,894,000.00.
Ang parcel ay mula Thailand at ipinadala sa isang a.k.a. Paul sa Albay.
Samantala, sa pangalawang operasyon sa isang Cargo, nakumpiska naman ang nasa 1,098 grams ng Marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱1,647,000.00.
Ang parcel ay nagmula sa Estados Unidos at nakapangalan sa isang indibidwal sa Novaliches, Quezon City.
Patuloy ang imbestigasyon ng PDEG upang matukoy ang mga nasa likod ng pagpapadala ng iligal na droga sa bansa.