Puspusan ang ginagawang suporta ng LandBank sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang mga prayoridad na sektors kung saan nakapamahagi na ng loan na umaabot sa 721 bilyong piso sa katapusan ng Marso 2019 mas mataas ng 20 percent kumpara noong March 2018 na umaabot lamang ng 600 bilyong piso at nagrerepresenta ng 93 porsyento sa kabuuang bank loan sa lahat ng sektor na 778.8 bilyong piso.
Ayon kay LandBank President at CEO Cecilia C. Borromeo, prayoridad ng LandBank ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda na benepisaryo ng Agrarian Reform.
Paliwanag ni Borromeo nanatiling matatag ang kanilang suporta sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda na kayang kaya sa bulsa ng mga mahihirap na Pilipino.
Binigyang diin pa ni Borromeo na ang suporta ng LandBank sa mga prayoridad na sektor ay tumaas ng 12 percent na umaabot sa 45.3 bilyong piso sa buwan pa lamang ng Marso taong kasalukuyan kung saan sa unang tatlong buwan ng taon nakapagpalabas ang LandBank ng 13 bilyong piso na loan sa mga naturang sektor na ang nakikinabang ay umaabot sa 128,496 na mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa buong bansa.
Ipinagmalaki pa ni Borromeo na ang LandBank ang pinakamalaking nakapagbigay ng pautang sa mga LGU sector na umaabot sa 50 bilyong piso sa katapusan ng buwan ng Marso 2019.
Giit ng opisyal ang LandBank nakapagtala ng net income na umaabot sa 4.75 bilyong piso sa unang quarter ng 2019 mas mataas ng 12 percent mula sa 4.26 bilyong piso sa kaparehong buwan noong nakaraang taon kung saan lalong pinalalakas nila ang kanilang ugnayan sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Agriculture (DA) upang madaling maipararating ang kanilang tulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda.