Ito ay mensahe nang ahensiya na kanilang adbokasiya na nagtataguyod sa kaligtasan ng mga mamimili kasabay ng World Consumer Rights Day.
Ito ay alinsunod sa DTI Department Administrative Order No. 17, s. 1990 na nagsasaad na ang mga nasamsam na produkto na nakakaapekto sa kaligtasan ay dapat sirain o kondenahin.
Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ay mga uPVC pipe (tubig at elektrikal) at inner tubes na walang marka tulad ng Philippine Standard (PS) Mark at Import Commodity Clearance (ICC) Sticker.
Dagdag pa dito, kabuuang 150 piraso na 8mm Steel Bar ang ipinamigay sa napiling barangay sa bayan ng Maddela, Quirino.
Ayon kay DTI OIC -Provincial Director Mary Ann C. Dy, layon nito na magsilbing aral sa mga may-ari ng negosyo sa lalawigan.
Umaasa ito sa susunod na enforcement activities ay wala ng maitatala na paglabag.
Samakatuwid, ang Consumer Protection Unit ng DTI R2 Quirino ay patuloy na papaigtingin ang pagbabantay upang masawata ang mga hindi sertipikadong produkto sa merkado.