Mahigit P8-M halaga ng Agarwood na ipupuslit sa Malaysia at UAE, naharang ng BOC

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang limang balot ng mga misdeclared na Agarwood sa isang bodega sa Lapu-Lapu City.

Ayon sa BOC, may bigat na mahigit 11 kilo ang nakumpiskang Agarwood na nagkakahalaga ng mahigit ₱8.4 million.

Idineklarang halaman na Alingatong o Stinging Nettle ang mga ito pero nadiskubre na naglalaman pala ng Agarwood na isang protected species na kinakailangang dumaan sa mga kaukulang permit para maibenta.

Nagmula umano ng Agusan del Sur ang parcel na planong ibiyahe patungong Malaysia at United Arab Emirates.

Agad namang nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Wildlife Resources Conservation and Protection Act at iba pang batas.

Facebook Comments