Aabot sa mahigit P8 million halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Costoms Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at Ninoy Aquino International Airport -Philippines Drug Enforcement Agency (NAIA-PDEA), mula sa tatlong parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) at FedEx Warehouse sa Pasay City.
Ang unang parcel ay padala ng nagngangalang , Afrim Yusuf ng Venloer Strasse Neuss, Germany na naka-consignee kay Patricia Reyes ng 73 Agno Extension, Brgy. Tatalon, Quezon City na ideneklarang children’s toys, bag, shoes, hat, water bottle, at colored pencils kung saan nakalagay ang (5) plastic pouches na naglalaman 4,447 ecstasy tablets.
Habang ang pangalawang parcel na walang declaration ay nakalagay sa plastic pouch na naglalaman ng 100 tablets ng ecstasy na naka -consignee naman kay Angeli Khang ng Tubera St., Tondo, Manila.
Samantala ang ikatlong parcel naman ay ideneklarang water filter kung saan nakalagay ang 7 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 178.5 grams ng Ketamine mula sa nagngangalang Ken Tan ng Kuala Lumpur, Malaysia na naka -consignee naman kay Ferdie Santos ng 165 G. Reyes St., Pasay City.
Natuklasan ang mga nasabat na illegal drugs ng dumaan ito sa X-Ray inspection at physical examination ng Customs examiner.
Ang mga naturang illegal drugs ay pormal ng nai-turn over ng Bureau of Customs sa tamang ahensya para sa karagdagang imbestigasyon.