Mahigit P80-M na halaga ng mga pekeng produkto, winasak sa Camp Crame

115

Sinira sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang nasa P80 million na halaga ng mga pekeng produkto.

Pinangunahan nina PNP OIC Lt. Gen Archie Gamboa, Intellectual Property Office of the Philippines Director General Josephine Santiag at Deputy Director General Atty. Teodoro Pascua at ang ceremonial destruction.


Kasamang sinira ang Louis Vuitton bags, wallets, cellphone cases; pekeng mga sapatos, pekeng rolex , pirated DVDs; branded cutting blades, pekeng Lacoste shirts, bogus na sigarilyo at pekeng sabon.

Ang nasabing mga produkto ay pawang nasabat sa mga isinagawang operasyon noong nakaraang taon.

Facebook Comments

From Advertisers