Mahigit P800 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Quezon City

Mahigit 127 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P836 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Naaresto sa operasyon ang dalawang Chinese national na hinihinalang parte ng isang transnational drug trafficking organization.

Ayon kay PDEA director general Wilkins Villanueva, tinatawag ang mga suspek na “bodegero” na nagdi-distribute ng iligal na droga sa buong NCR.


Mahigit tatlong buwan munang nagsagawa ng surveillance ang PDEA katuwang ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) bago ikinasa ang operasyon.

Samantala, isang Chinese national din ang naaresto ng awtoridad sa Paso de Blas sa Valenzuela City kahapon kung saan nasabat ang 15 kilo ng shabu na nakasilid sa mga pakete ng tsaa.

Hinala ng PDEA, konektado ang dalawnag grupo.

Facebook Comments